Sa Paglalakbay Ko Naintindihan

Ikaw ang mapa ng buhay ko,
Lahat ilalaban para lang sayo.
Kaya pait ang dulot ng pagalis mo
At pag-gunaw ng aking pangarap at mundo.
Walang katiyakan kung kaya pa bang mabuo
At tanging sa paglalakbay susugal ako.

Binaybay ang dagat, sumisid sa kailaliman.
Binagtas nag bundok, sumulong sa kagubatan.
Upang malaman ang sagot sa mga katanungan.
Bakit ka sumuko? Ako ba ang nagkulang?
Bakit ka naglaho na di man lang nagpaalam?
Sinadya yata na ikay manatiling panaginip lang.

Inakyat ang tuktok upang makalimot.
Sa pighati na iyong naidulot.
Sa pusong nagmahal na ngayon ay malungkot.
Ibinuhos ang luha, sinigaw lahat kay Kiltepan
Na ikaw at alaala mo ay makalimutan
At sakit ay iagos sa pusod ng nakaraan.

Sa paglalakbay ko naintindihan
Na ako ang araw at ikaw ay ang buwan.
Tinadhanang kailanman hindi magtatagpuan
At wangis mo ay sa ipinta nalang sa ulan
Na unti-unting naglalaho tulad ng mga pangarap
Na mahawakan ang kamay mo at ikaw ay mayakap.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s